Makaranas. hahahahaha
pilit hinihimok ng mapusok na kaisipan
at tinatanaw ng bintana ng katauhan
sutla mong labi, balingkinitang katawan
di mapatid ng karunungan
pinanghahawaka'y tuwid na salamin
sinisipat ang babaeng wari'y nangangamba
tutok sa pagtitig sa sarili
at sa pagtanto ng munting imahe
nadaplis sa iyong kamusmusan
na nagtila hangin sa kapaligiran
isang hamak na diyosa ng karangyaan
saliw sa musika na dumadaloy sa napapatid
waring hakot ang puso at sayo'y hinahatid
astang galak sa pagkakatagpo
nagmimistulang sugat
na hinilom ng pagwawagi mula pagkabigo.
I didn't write that. Ung mga maayos ang network, malalaman kung sino yan. Wooh hanep us!
Balang araw maiintindihan ko din yan!
Monday, December 8, 2008
Makaranas
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment